-- ADVERTISEMENT --

Nangunguna ang stroke at atake sa puso sa mga naitalang kaso ng noncommunicable diseases ngayong holiday season base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH).

Mula Disyembre 21-28, umabot sa 190 kabuuang kaso ng noncommunicable diseases ang naitala sa nasabing panahon.

Sa bilang na ito, 118 kaso ay acute stroke o brain attack, habang 49 kaso naman ang acute coronary syndrome o heart attack.

Samantala, 23 kaso ang naitalang bronchial asthma.

Batay sa datos, mas karaniwan sa mga kalalakihan ang tinatamaan ng brain attack at heart attack, na iniuugnay sa mga risk factor gaya ng altapresyon, paninigarilyo, at hindi malusog na pamumuhay.

-- ADVERTISEMENT --

Mas mataas naman ang bilang ng bronchial asthma sa mga kababaihan.

Bunsod nito, pinaaalalahanan ng DOH ang publiko na ang noncommunicable diseases ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng malusog na pagkain, regular na ehersisyo, pag-iwas sa bisyo, at maagang pagpapatingin sa doktor.