-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan ang Estados Unidos na hindi nakokontrol ng Iran ang Strait of Hormuz.

Ayon kay US Central Command (CENTCOM) spokesman Tim Hawkins, na tinulungan ng US military ang mga commercial vessels para maibyahe ang nasa mahigit 900 milyon bareles ng krudo mula pa noong Mayo.

Nagiging maganda na rin ang daloy ng trapiko ng mga barko doon.

Epektibo rin aniya ang ginawa ng US na pagharang sa mga Iranian ports dahil kanilang na pinapalayas ang mga nagtatangkang lumapit dito.

Itinanggi rin ng US Central Command ang alegasyon ng Iran na tinatarget nila ang mga sibilyan sa kada operasyon nila.

-- ADVERTISEMENT --