-- ADVERTISEMENT --

Isasailalim sa 30-araw na state of emergency ang kabisera ng Lima at lalawigan ng Callao sa Peru upang pagplanuhan ang mga hakbang laban sa tumataas na kaso ng krimen.

Inanunsyo ito ni President Jose Jeri kasunod ng isang protesta kung saan isang tao ang nasawi at 100 ang naiulat na sugatan.

Wala namang ibinigay na karagdagang detalye ang pangulo maliban sa pagpapadala ng puwersa ng militar at pulisya sa Lima at Callao upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng publiko.

Nanumpa si Jeri bilang bagong Pangulo ng Peru matapos mapatalsik sa puwesto si dating Pangulong Dina Boluarte. Agad din siyang nagtatalaga ng bagong gabinete kung saan pangunahing prayoridad ang pagsugpo sa krimen.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nagdeklara ng state of emergency sa Peru. Ginawa na rin ito noon ni Boluarte, ngunit ayon sa ulat, hindi ito nagkaroon ng sapat na epekto upang mabawasan ang krimen.

-- ADVERTISEMENT --