-- ADVERTISEMENT --

GENERAL SANTOS CITY – Sumuko sa militar ang isang squad lider na miyembro ng New Peoples Army(NPA) matapos ang pagkakahuli sa isang nagngangalang Zaldy Cañete alias Jinggoy na taga Bukidnon ayon sa Eastern Mindanao Command.

Nakabase umano ito sa Sarangani Province at kinilala na si Samson Pagalangan Salda alias Lakay, 39 taong gulang na residente sa Brgy. Sulit, Polomolok, South Cotabato.

Kinumpirma ng 73rd Infantry Battalion Philippine Army na natakot umano si Salda para sa kanyang buhay habang nasa bundok matapos mahuli sa Bukidnon ang kanyang kasama na si Ka Jinggoy.

Isa rin sa dahilan nito ay ang nakikitag magandang sitwasyon sa kanyang mga kasamahan matapos na sumuko matapos na tinulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng caash assistance at pangkabuhayan.

Isinuko ng rebelde nang bumaba mula sa bundok ang isang M16 Rifle (elisco) na mayroong tatlong matataas na magazine na may 79 live ammunitions at isang handheld radio.

-- ADVERTISEMENT --

Kaagad itong dinala sa Headquarters ng 73IB sa Brgy. Felis, Malita, Davao Occidental para sa custodial debriefing.