-- ADVERTISEMENT --

Dinanas ng San Antonio Spurs ang unang pagkatalo ngayong season sa kamay ng Phoenix Suns, 130-118.

Binuhat ni Devin Booker ang kaniyang koponan sa pamamagitan ng kaniyang double-double performance – 28 points, 13 assists.

Sa unang pagkatalo ng Spurs ngayong season, nalimitahan lamang ang bigman na si Victor Wembanyama sa siyam na puntos at siyam na rebounds.

Sa 14 shots na pinakawalan ni Wemby, apat lamang dito ang kaniyang naipasok, habang kumamada rin siya ng anim na turnover sa kabuuan ng laban.

Umabot pa sa 31 points ang pinakamalaking kalamangan ng Suns hanggang sa pinilit itong habulin ng Spurs,ngunit tanging sa 4th quarter lamang naging epektibo ang kanilang comeback kung saan nakapagpasok ang koponan ng 40 points habang 28 lamang ang nagawa ng Suns.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, napanatili pa rin ng Suns ang sapat na puntos upang iposte ang 12-point win sa pagtatapos ng laban.

Ang panalo ng Suns ay sa kabila ng hindi paglalaro ng shooter na si Jayleen Green na nagpapagaling sa kaniyang hamstring injury.

Nagpaulan ng 19 na 3-pointers ang koponan mula sa 22 tres na kanilang pinakawalan sa kabuuan ng laban. Ito ay katumbas ng 86 3-pt percentage, isa sa pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng liga.