Pinangunahan ni House speaker Bojie Dy ang isang necrological service bilang paggunita sa yumaong Antipolo City 2nd District Rep. Romeo M. Acop.
Sa kanyang eulogy, inilarawan ni Dy si Acop bilang isang mambabatas na may integridad, malinaw na paninindigan, at taos-pusong paglilingkod sa bayan.
Aniya, hindi naghahanap ng atensyon si Acop ngunit ramdam ang kanyang presensya at tapang sa mga mahahalagang usapin.
Binigyang-diin ng Speaker na ang serbisyo ni Acop ay nakaugat sa konsensya at malasakit sa mamamayan, hindi sa pagkilala o kapangyarihan.
Tahimik din umano itong tumulong sa maraming pamilya at komunidad.
Nagpahayag din ng pakikiramay si Dy sa pamilya ni Acop at tiniyak na mananatili ang kanyang mga pagpapahalaga at halimbawa sa Kamara.
“Paalam, aming kaibigan. Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod,” pagtatapos ni Dy.
Bukod kay speaker Dy nagbigay din ng euology sina deputy speaker ronnie puno, rep. benny abante, hon stephen caraps paduano, hon robert ace barbers at hon dan fernandez at hon leopoldo bataoil.











