-- ADVERTISEMENT --

Lubos na nagdadalamhati ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pagpanaw ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Macusi Acop, ayon kay Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III.

Sa kanyang pahayag, inilarawan ni Speaker Dy si Acop bilang isang tapat, matapang, at may matibay na paninindigang lingkod-bayan na nagsilbing huwaran ng integridad sa serbisyo publiko.

Ayon kay Dy, sa bawat tungkuling ginampanan ni Acop ay malinaw ang kanyang paniniwala na ang batas ay dapat magsilbi para sa kapakanan ng mamamayan.

Dagdag pa ng Speaker, malaking kawalan para sa Kongreso, sa lungsod ng Antipolo, at sa buong sambayanang Pilipino ang pagpanaw ng mambabatas.

Sinabi ni Speaker Dy, mananatiling buhay ang halimbawa ni Acop bilang isang marangal at tapat na lingkod-bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Nakikiisa rin ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pagluluksa ng pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay ng yumaong kongresista.

“Maraming salamat, Cong. Romeo Acop. Ang inyong serbisyo, dangal, at makabuluhang mga kontribusyon ay hindi namin malilimutan,” pagtatapos ni Speaker Dy.