Tiniyak ni House Speaker Bojie Dy III na Makakaasa ang publiko na mananatiling bukas at tapat ang budget process ng Kamara.
Ipinunto din ni Dy na ang bawat sentimong ilalaan sa badyet ay titiyaking para sa tunay na pangangailangan ng ating mga kababayan.
Nagpasalamat si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga miyembro ng Kamara, mga empleyado, at mga ahensya ng gobyerno matapos matagumpay na maisagawa ang sponsorship at plenary debates para sa panukalang P6.3 trilyong 2026 national budget.
Ayon sa kanya, ilang araw silang nag-overtime at umabot pa ng alas-tres ng umaga ang mga sesyon, ngunit tiniis ito para sa masinsinan at bukas na deliberasyon ng badyet.
Nagpasalamat din si Dy sa mga kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno na tumulong sa pagpapaliwanag ng kanilang mga budget at pagsagot sa tanong ng mga mambabatas.
Pinuri rin ni Dy si Appropriations Committee Chair Rep. Mikaela Suansing sa kanyang inisyatiba na gawing mas transparent ang proseso, gaya ng live-streaming ng mga budget hearings.
Maghating gabi na kanina ng matapos ang budget debate sa plenaryo kung saan huling nasalang ang Lump sum ng DBM.
Higit anim na oras tinalakay ang budget sa Lump Sum.
Lubos namang nagpasalamat si Appropriations panel chair Mikaela Suansing sa suporta ng mga kapwa mambabatas at sa ibat ibang ahensiya na dumalo at ipinaglaban ang kanilang taunang budget.