Ikinagulat ni House Speaker Bojie Dy III ang irrevocable resignation ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ngayong araw.
Sa isang presscon sa Kamara sinabi ni Speaker Dy na sila ay nagulat sa naging hakbang ng dating appropriations panel chaiman.
Ayon sa house leader na batay sa kanilang pag-uusap na kapag hindi pa makipag ugnayan si Co sa House Committee on Ethics and Privileges bukas ay plano nilang suspindihin ang kongresista.
Gayunpaman at naghain na ito ng kaniyang resignation ay hindi na nila sakop ngayon ang mambabatas.
Sinabi ni Speaker Dy na ipinauubaya na nila sa Department of Justice (DOJ)at ICI kung anong ipapataw nila sa dating mambabatas.
Binigyang-diin naman ni Dy na kahit hindi na miyembro ng Kamara ngayon si Co ay dapat pa rin siyang umuwi sa Pilipinas para harapin at sagutin ang lahat ng isyu na ibinabato laban sa kaniya.
Kinumpirma naman ni Dy na batay sa kanilang monitoring hindi pa nakakabalik ng bansa si Co.
Wala ding records na nakauwi na ng Pilipinas ang dating mambabatas.