-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na wala pa itong clearance mula sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa naturang Justice Secretary, hindi pa siya napagbibigyan ng clearance para sa kanyang aplikasyon sa posisyon pagka-Ombudsman.

Aniya’y ito ay sa kadahilanang naghain ng ‘motion for reconsideration’ si Senator Imee Marcos para kontrahin ang inilabas na desisyon kaugnay sa kinakaharao nitong reklamo.

Kamakailan lamang kasi ay niresolba na ng Office of the Ombudsman ang pending case ni Justice Secretary Remulla hinggil sa naganap na pagpapadala at pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Bagama’t may inilabas ng resolusyon ang Ombudsman sa pending case ni Sec. Remulla, kanya namang kinakaharap ang ilang mga panibagong reklamo.

-- ADVERTISEMENT --

Inihain kasi kahapon ni acting Davao City Mayor Baste Duterte ang reklamong kidnapping patungkol sa isyu ng pagpapadala sa ama tungo sa International Tribunal.

Ngunit tinawag lamang itong ‘forum shopping’ ni Justice Sec. Remulla sapagkat giit niya’y may petisyon na sa Korte Suprema ang abogado nitong si Atty. Israelito Torreon.

Magkaparehong usapin ngunit hiling nila sa Kataas-taasang Hukuman ang pag-isyu ng Temporary Restraining Order para pigilan ang pag-aresto sa dating Pangulo.

Naghain rin ng reklamo sa Ombudsman si Atty. Ferdinand Topacio laban kina Justice Secretary Remulla at National Bureau of Investigation Dir. Jaime B. Santiago.

Reklamo niya ang umano’y ilegal na pagkakaaresto at arbitrary detention kina Cassandra Li Ong at Shiela Guo noong nakaraan taon

Base sa Korte Suprema, isa ang Ombudsman clearance sa mga requirements ng Judicial and Bar Council para mapabilang ang aplikante sa shortlist ng mga nominado.

Mula sa ilalabas na shortlist ng Judicial and Bar Council, dito naman pipili si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa susunod na magiging Ombudsman.