-- ADVERTISEMENT --

Ibinahagi ng singer na si Pink ang hindi magandang karanasan nito matapos ang pagbabakasyon.

Sa social media account ng singer ay nagpost ito ng larawan habang mayroong intravenous vitamins.

Sinabi nito na mayroon itong nakain na apektado ng E. Coli bacteria.

Hindi naman na binanggit nito kung saang lugar nito nakuha ang foodbourne disease.

Magugunitang natapos nito ang kaniyang Summer Carnival Tour na nagsimula noong nakaraang taon sa 131 shows sa loob ng 15 bansa.

-- ADVERTISEMENT --