-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na ang sikat na chimpanzee sa Japan na si Ai sa edad na 49.

Ayon sa Kyoto University’s Center for the Evolutionary Origins of Human Behavior , na pumanaw ang babaeng chimpanzee nitong Enero 9 dahil sa na rin sa katandaan at organ failure.

Isinilang sa western Africa at dumating sa Japanese institute noong 1977.

Siya ang tinaguriang Ai project na isang research program kung paano basahin ang pag-iisip ng isang chimpanzee.

Ilan sa mga natutunan nito ay ang pagbibilang ng numero at ang pagkilala sa mga kulay.

-- ADVERTISEMENT --

Noong ito ay 18 buwan pa lamang ay binigyan siya ng special keyboard na naka-konekta sa computer para pag-aralan ang kaniyang memorya at kaalaman.

Sa edad lamang na anim ay natutunan nito ang pagbibiglang ng hanggang anim at kaya niyang malaman ang mga kulay at mga gamit na aabot sa 300.

Noong taong 2000 ay nagsilang ito ng anak na lalaki na pinangalanang si Ayumu na isang matalinong uri din.