-- ADVERTISEMENT --
Pumanaw na ang sikat na Colombian singer na si Yeison Jimenez sa edad na 34.
Kasama siyang nasawi sa bumagsak na private plane nitong araw ng Sabado sa pagitan ng Paipa at Duitama.
Ang nasabing eroplano ay patungo sana sa Medelin ng ito ay biglang bumagsak ilang minutor matapos na ito ay mag-take off.
Pag-aari umano ng singer ang eroplano kung saan nakatakda sana itong magtanghal malapit sa Medelin.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing eroplano.
-- ADVERTISEMENT --











