-- ADVERTISEMENT --

Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa 17 lugar sa Luzon ngayong Linggo ng umaga habang patuloy na kumikilos pakanluran hilagang-kanluran si Bagyong Ramil (international name: Fengshen) na kasalukuyang nasa baybaying-dagat ng Quezon.

Batay sa 8:00 a.m. weather bulletin ng PAGASA, kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 2 ang mga sumusunod: Timog-silangang bahagi ng Quirino (Nagtipunan, Maddela, Aglipay), Gitna at timog na bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Bambang, Aritao, Kayapa, Santa Fe, Kasibu); Gitna at timog na bahagi ng Benguet (Itogon, Bokod, Atok, Kapangan, Tublay, La Trinidad, Baguio City, Tuba, Sablan); Gitna at timog na bahagi ng La Union (Rosario, Pugo, Tubao, Santo Tomas, Agoo, Aringay, Caba, Naguilian, Burgos, Bagulin, Bauang, San Fernando City, San Juan, San Gabriel, Bacnotan, Santol, Balaoan, Luna); Pangasinan; Aurora; Nueva Ecija; Bulacan; Tarlac; Pampanga; Hilaga at gitnang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan); Hilagang bahagi ng Metro Manila (Caloocan, Quezon City, Valenzuela, Marikina, Malabon, Navotas); Hilaga at gitnang bahagi ng Rizal (Rodriguez, San Mateo, Antipolo, Tanay, Baras); Hilagang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan); Hilaga at silangang bahagi ng Quezon (General Nakar, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan, Quezon, Alabat, Perez, Mauban, Real, Infanta, Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez) kasama ang Polillo Islands; Camarines Norte; Hilagang-kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot).

Mga Lugar na Nasa Ilalim ng Signal No. 1:
Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands
Isabela
Natitirang bahagi ng Quirino at Nueva Vizcaya
Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao
Natitirang bahagi ng Benguet at La Union
Natitirang bahagi ng Zambales at buong Bataan
Natitirang bahagi ng Metro Manila, Quezon, Rizal, Laguna, Cavite, at Batangas
Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon
Natitirang bahagi ng Camarines Sur, pati na rin ang buong Catanduanes at Albay
Gitna at kanlurang bahagi ng Sorsogon (Sorsogon City, Magallanes, Pilar, Castilla, Casiguran, Donsol, Juban, Bulan)
Hilagang bahagi ng Masbate (Aroroy, Baleno, Mandaon), kabilang ang Ticao at Burias Islands.

Ayon sa PAGASA, kaninang 7:00 a.m., namataan ang sentro ni Bagyong Ramil sa may baybayin ng Mauban, Quezon.
Taglay nito ang hanging umaabot sa 65 km/h malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 km/h. Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Bagaman walang babala ng bagyo sa ilang lugar, inaasahang makakaranas ng malalakas na hangin hanggang gale-force gusts ang mga sumusunod dahil sa buntot (trough) at outer rainbands ng bagyo, pati na rin sa easterlies:
Cagayan Valley
Oriental Mindoro
Masbate
Caluya Islands
Samar, Northern Samar, Eastern Samar, at Biliran

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na hangin.

-- ADVERTISEMENT --