-- ADVERTISEMENT --

Naghahanda na ang SexBomb Girls para sa kanilang ika-anim na serye ng “Get, Get, Aw” reunion concert.

Kinumpirma ito ng lider ng grupo na si Rochelle Pangilinan kung saan plano nilang gawin din ito sa California.

Sa social media account nito ay sinabi niya na magkakaroon ng nasabing panibagong konsyerto.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ukol sa nasabing reunion concert.

Sa darating naman na Mayo 16 ay isasagawa rin ang kanilang reunion concert sa California, USA.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang sa naunang limang reunion concert ng grupo ay naging sold-out ito kung saan maraming mga special guest ang isinama nila.