-- ADVERTISEMENT --
Dapat magsauli si dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo ng hindi bababa sa P1 bilyon mula sa kanyang kickback sa maanomalyang flood control projects gayong nag-apply siya sa Witness Protection Program.
Ito ang iginiit ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senador Ping Lacson.
Bahagi ng proseso ng Department of Justice (DOJ) sa pag-assess ng aplikasyon sa WPP ang pagtingin sa kakayahan at obligasyon ng aplikante, kabilang ang pagsasauli ng anumang nakuhang pondo kung may batayan.











