Kinilala ng Senado ang desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 8 na pagsamahin ang dalawang kaso na may kaugnayan sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa nasabing resolusyon, inatasan ng kataas-taasang hukuman ang mga respondent na magsumite ng mga kinakailangang dokumento o paliwanag. kasunod ng hiling para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa impeachment proceedings.
Ayon kay Senate impeachment court Spokesperson Atty. Regie Tongol katulad ito ng naunang hakbang ng Senado noong Hunyo 10, kung saan pinasuri rin ang proseso ng pagpapatibay ng mga impeachment articles.
Maghahanda naman na aniya ang Senado ng kanilang tugon ngunit pagbibigay-diin ni Tongol na karamihan sa hinihinging impormasyon ay may kinalaman sa proseso ng Kamara.
Sa huli, naninindigan ang Senado na patuloy nilang igagalang ang proseso ng hudikatura at ang sub judice rule — at patuloy sila aniyang iiwas sa pagbibigay ng anumang karagdagang pahayag sa publiko.