-- ADVERTISEMENT --

Humiling ng dagdag na panahon si Senator Joel Villanueva para magsumite ng kaniyang counter-affidavit sa malversation case na kinakharap nito na may kaugnayan sa maanomalyang flood control project sa Bulacan.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Polo Martinez , na naghain ng mosyon ang senador para sa extension ng counter-affidavit kung saan pinayagan ito na magsumite ng hanggang Enero 26.

Isinagawa kasi nitong Martes, Enero 20 ang preliminary investigation ukol sa kaso na kinasasangkutan ng Topnotch Catalyst Builders.

Ilan sa mga respondents ng kaso ay sina Villanueva, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.