-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ni Senator Rodante Marcoleta na may isang kongresista na kumausap umano sa abogado ng Discaya para magdawit ng Senador para iwas contempt.

Sa sesyon ng Senado, kinumpirma ni Sen. Marcoleta na nakatanggap siya ng text mula sa abogado ni Pacifico “Curlee” Discaya II kung saan may kongresistang kumausap umano sa kanila na magbanggit ng Senador sa kasagsagan ng pagdinig ng House Infrastructure Committee kahapon, September 9 dahil kung hindi ay ipapa-contempt umano sila.

Nasa kaniyang posession aniya ang pinadalang mensahe bilang patunay.

Iginiit din ng Senador na dapat matukoy kung sino ang mga indibidwal na madalas kausap ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral na umano’y sindikato sa flood control projects.

Sa pagdinig ng House Infrastructure Committee kahapon, nakaladkad ang pangalan nina Senator Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada matapos idawit ni dating DPWH district engineer Brice Ericson Hernandez na umano’y nakatanggap ng kickback sa flood control project sa Bulacan, bagay na mariing itinanggi ng dalawang Senador.

-- ADVERTISEMENT --