-- ADVERTISEMENT --

Binatikos ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang mga allegasyon ni Senator Imee Marcos sa 2026 General Appropriations Act (GAA), kung saan mayroon naman unamong allocable funds sa 2025 budget ang senadora batay sa impormasyon galing sa ‘Cabral files’ 

Ayon kay Lacson, walang moral ascendency si Marcos sa pamumuna nito sa napirmahang budget ng 2026, kung siya naman mismo ay mayroon din umanong pork barrel o insertion sa 2025 national budget na umabot sa P2.5 o P3.5 bilyon.

Kwenistyon naman ng senador kung bakit hindi inilahad ni Marcos ang kanyang mga alegasyon sa Bicameral Conference Committee. Habang pinabualaanan naman niya na walang pumipigil sa mga sendor na bahagi ng Senate Blue Ribbon Committee na magsalita ukol sa mga opisyal ng gobyerno na di-umanoy sangkot sa flood control projects scandal. Kaugnay nang pagpuna ng senadora kung bakit hindi inituloy ang pagiimbestiga kay House Speaker Martin Romualdez. 

Pagpapaliwanag ni Lacson, walang sapat na ebidensya na nagpapatunay na sangkot si Romualdez sa umano’y anomalya sa flood control projects. Kung saan binigyang-diin nito na nagpapatuloy ang imbestigasyon base sa mga ebidensyang kanilang nakakalap. 

Matatandaan na inakusahan ni Senator Imee ang 2026 GAA na umanoy isang political budget at hindi para sa ikakaunlad ng bansa. Sinabi rin niya hinati-hati ang pondo para sa pagsasagawa ng planong impeachment kay Vice President Sara Duterte, kuagnay ng posibleng pagsasampa ng bagong reklamo sa Prebrero, matapos na isang taong pagbabawal sa paghain ng impeachment complaint. 

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, binigyang-diin din ni Marcos na ang umanoy “soft pork” sa 2026 budget ay maaring magmula sa tulong pinansyal ng gobyerno sa pamamagitan ng mga programa tulad ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacited Patients (MAIFIP) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) 

Sa huli, inanyayahan ni Lacson si Marcos na dumalo sa Senate Blue Ribbon Committee at hinikayat na ilabas ang lahat ng ebidensya na meron ito kasabay ng pagtitiyak sa senadora na bibigyan ito ng sapat na oras kung kinakailangan.