-- ADVERTISEMENT --

Nagmistulang isang pagkantiyaw kay House Speaker Martin Romualdez ang dahilan ni Senator Imee Marcos sa pagboto ng “Yes” para ma-archive o maisantabi ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi nito na nagiging tagabantay na lamang ang kongresista kung ano ang ipinagsisigawan ni Romualdez na tinawag niyang dambuahalang sanggol o bondying.

Inakusahan pa nito ang mga kongresita na pinapagulo na lamang ang konstitusyon dahil sa mga ginagawa nilang pagpilit ukol sa impeachment.

Hinikayat na lamang nito ang mga mambabatas na galangin na lamang ang desisyon ng Korte Suprema at hindi dapat na pangunahan pa ito.

Mahalaga sa ngayon ay makapagtrabaho na sila at huwag ng pakinggan ang idinidikta ni Romualdez.

-- ADVERTISEMENT --