-- ADVERTISEMENT --

Kinontra ng security log ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pahayag ni Batangas Rep. Leandro Leviste na umalis umano siya sa opisina ng yumaong DPWH undersecretary Maria Catalina Cabral na may dalang mga dokumento tungkol sa nationwide budget insertions.

Sinabi ni Leviste na iniabot umano sa kanya ni Cabral ang mga papeles noong Setyembre 4. Ngunit ayon sa incident log ng DPWH, walang napansing dalang anumang dokumento si Leviste nang pumasok at lumabas siya sa opisina ni Cabral. Ang napansin lamang ng mga guwardiya ay ang pagdating ng isa sa kanyang kasama na may dalang anim na kahon ng pizza.

Bagaman nakita si Leviste na may hawak na ilang piraso ng papel matapos dumaan sa ibang opisina, iniulat ng mga guwardiya na umalis siya sa DPWH bandang 6:20 ng gabi nang walang dalang dokumento, habang ang kanyang bodyguard ay may bitbit na isang kahon ng pizza.

Lumabas ang ulat habang patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pagkamatay ni Cabral noong Disyembre 18 sa Benguet. Sinabi ni Leviste na ilalabas lamang niya ang inaangking mga dokumento kapag may pahintulot ni DPWH Secretary Vince Dizon