-- ADVERTISEMENT --

Nasa witness stand ngayon si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa paglilitis ng Sandiganbayan sa graft case laban kay dating Ako Bicol party-list Representative Elizaldy “Zaldy” Co at iba pang akusado.

Humaharap si Dizon sa Sandiganbayan 5th Division bilang testigo ng prosekusyon sa kasong may kaugnayan sa mga umano’y maanomalyang proyekto ng DPWH-Mimaropa.

Inaasahang ilalatag ng kalihim ang mga impormasyong may kaugnayan sa imbestigasyon ng pamahalaan sa mga kuwestiyonableng proyekto at kontrata ng DPWH na naging bahagi ng kaso.

Nauna nang kinumpirma ng DPWH na haharap si Dizon bilang testigo sa paglilitis. Bahagi ito ng presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon laban kay Co at sa iba pang dating opisyal ng DPWH-Mimaropa.

Si Co ay nahaharap sa graft charges kaugnay ng mga proyektong pinondohan ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit patuloy niyang itinatanggi ang mga alegasyon laban sa kanya.

Patuloy ngayong idinaraos ang pagdinig sa Sandiganbayan habang inilalahad ng prosekusyon ang mga testigo at ebidensya nito.