-- ADVERTISEMENT --

Pansamantalang itinigil muna ng Philippine Coast Guard ang search and retrieval operations nito sa Taal lake kaugnay sa nawawalang mga sabungero.

Ayon kay Department of Justice Spokesperson Polo Martinez, ang lahat aniya ng operasyon sa naturang lawa ay suspendido.

Paliwanag niya’y ang pansamantalang pagtigil nito ay sa kadahilanang masamang panahon at pati pagsabog ng Bulkang Taal.

Poor visibility o malabo aniya ang tubig sa ilalim ng naturang lawa sa kasalukuyan.

Subalit kanya namang tiniyak na ang lahat ng operating units ay naka-standby at nakahanda namang muling ipagpatuloy ang operasyon sakaling muling gumanda ang panahon.

-- ADVERTISEMENT --

“According to PCG, all operations have been temporarily suspended due to the deterioration of prevailing weather conditions in the area. Primarily, there is significantly poor underwater visibility. However, all operating units remain on standby and area prepared to resume operations once weather conditions improve,” ani Spokesperson Polo Martinez ng DOJ.