-- ADVERTISEMENT --

Opisyal nang tinapos ng mga otoridad ang mga isinasagawang search and rescue operations sa Binaliw Landfill sa Cebu City matapos na marekober ng mga otoridad ang huling nawawalang bangkay bunsod ng naging landslide sa lugar nitong Enero 8.

Ayon sa Cebu City Disaster Response Committee, nakuha ang bangkay nitong Linggo ng umaga dahilan para pumalo na sa 36 ang bilang ng mga nasawi sa insidente.

Maliban dito, lahat ng mga naiulat na nawawala at nasawi sa pangyayari ay accounted for na rin habang 14 ang nananatili sa ospital at apat namana ng kasalukuyang pinauwi na sa kanilang mga tahanan at pamilya.

Samantala, nitong Biyernes naman ay inalala ng mga kamag-anak ng mga nasawi sa landslide ang kanilang mga mahal sa buhay kasabay ng pagdedeklara ng State of Calamity sa lugar.