Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon na nagdedeklara ng wala ang bisa ng kasal dahil sa psychological incapacity ng asawang babae, na inilarawan ng korte bilang may domineering at controlling na pag-uugali laban sa kanyang mister.
Sa isang 14-pahinang desisyon na inilabas noong Agosto 6, 2025, pinagtibay ng SC Third Division ang mga naunang desisyon ng mababang hukuman na nagdeklara ng kawalan ng bisa ng kasal sa ilalim ng Article 36 ng Family Code.
Napagalaman na unang naghain ang mister nito ang petisyon noong 2003, walong taon matapos ang kanilang kasal noong 1995, at iginiit na ang kanyang asawa ay may pag-uugaling “domineering, controlling, demanding, and had an excessive amount of entitlement.”
Ayon pa sa mister nito na ipinakita ng kanyang misis ang controlling behavior, poor study habits, at entitlement bago pa man sila ikasal. Iginiit din niyang palagi siyang tinatanong kung saan siya nagpupunta, inakusahan nito ang asawa ng pagkakaroon ng hindi tamang relasyon sa kanyang ina, at nakaranas umano ng pisikal at verbal na pang-aabuso.
Kalauna’y na diagnose ang misis ng lalaki ng “Narcissistic Personality Disorder with paranoid features,” na inilarawan bilang malubha, hindi magagamot, at umiiral na bago paman sila ikasal.
Mariing itinanggi ng misis nito ang mga paratang at sa halip ay inakusahan ang kanyang mister ng pang-aabuso sa kanya at sa kanilang mga anak.
Gayunman, kapwa Regional Trial Court at ang Court of Appeals ang nagdeklara ng kawalan ng bisa ng kasal, batay sa psychological evaluations at testimonya ng mga saksi.
Sinabi naman ng SC na ang mga natuklasan ng Mababang Hukuman ay suportado ng sapat at kapani-paniwalang ebidensya, at nabigo ang umano ang asawa nito na baligtarin ang konklusyon ng psychological incapacity.
Dagdag pa ng Mataas na Hukuman na kahit pa ideklarang ang misis nito na psychologically incapacitated, gaya ng kanyang iginiit, mananatili pa ring walang-bisa ang kanilang kasal sa ilalim ng Article 36 ng Family Code.











