-- ADVERTISEMENT --

Humakot ng awards ang Pinoy group na SB-19 sa kauna-unahang Filipino Music Awards.

Nakuha ng grupo ang Pop Song of the Year sa kanta nilang “Dungkal”.

Habang sa People’s Choice Awards category ay napili ang grupo sa best Artist at ang kanta nilang “Dungkal” ay People’s Choice Song Award.

Sa Grand Awards Category ay nakamit ng grupo ang Artist of the Year; Concert of the Year sa “Simula at Wakas” at ang Tour of the Year ng SB 19 ng “Simula at Wakas”.

Dumalo ang mg kilalang singer sa bansa gaya nina Janine Gutierez , Jericho Rosales KZ Tandingan, TJ Monterde, Angeline Quinto, Morissette, Erik Santos, Michelle Dee at Arthur Nery.
Nagtanghal naman sa stage sina Maki ,Cup of Joe, SB19, BGYO, BINI Ely Buendia, Lolita Carbon, Yeng Constantino at Gloc 9.

-- ADVERTISEMENT --