-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan ang bilyonaryong contractor na si Sarah Discaya na hindi siya nagbibigay ng anumang kickback o porsyento sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada ang bilyonaryong negosyante kung magkano ang ibinibigay niyang porsyento sa mga DPWH official sa tuwing nakakakuha ang kaniyang mga kumpaniya ng kontrata sa gobiyerno ng Pilipinas.

Gayunpaman, nanindigan si Discaya na hindi siya nagbibigay ng porsyento.

Maliban dito, hindi rin umano siya ang nakikipag-transact sa mga pinapasok na kontrata ng kaniyang mga kumpaniya.

Binalaan din ni Sen. Estrada ang naturang negosyante na kung mapapatunayang nagsisinungaling siya ay maaari siyang makulong dahil siya ay nanumpa bago nagsalita sa Senate hearing.

-- ADVERTISEMENT --

Pero ayon kay Discaya, hindi nagbibigay ng anumang porsyento o kickback ang kaniyang kumpaniya, bagkus, idinadaan ang mga ito sa ligal na proseso.

Ang mga kumpaniyang pagmamay-ari ng pamilya Discaya ay ang nakakuha sa ilang malalaking government contract para sa mga flood control atbpang public infrastructure project ng pamahalaan.