-- ADVERTISEMENT --

Inilabas na ng mga otoridad sa Manchester , England ang pinakasanhi ng kamatayan ni dating world boxing champion Ricky Hatton.

Base sa kanilang ginagawang pagsisiyasat na kinitil ng 46-anyos na boksingero ang kaniyang sariling buhay.

Ayon kay Alison Mutch ang senior coroner ng Manchester South na siyang nangunguna sa imbestigasyon na nakita ang bangkay nito na nakasabit.

Una ng sinabi ng manager nito na si Paul Speak na natagpuang wala ng malay ang boksingero sa bahay nito sa Hyde, Greater Manchester noong Setyembre 14.

Taong 2007 ng pinatikim ni US boxing champin Floyd Mayweather ang unang pagkatalo ni Hatton kung saan mayroon sana itong malinis na 43 panalo.

-- ADVERTISEMENT --

Nagretiro siya sa boxing ng 2012 at mayroong 45 panalo at tatlong talo.

Magugunitang nailibing na si Hatton noong nakaranag linggo na dinaluhan ng ilang sikat na boksingero gaya nina Tyson Fury at Frank Bruno.