-- ADVERTISEMENT --

Bumwelta naman si Rep. Marcos kay Davao City Representatives Paolo “Pulong” Duterte at sinabihan na huwag palaging mag absent ng sa gayon alam nito ang mga kaganapan sa House of Representatives.

Tugon ito ni Marcos sa alegasyon ni Duterte na siya ang pumili sa bagong house speaker na si Isabela Representative Faustino “Bogie” Dy III kapalit ni Leyte Representative Martin Romualdez.

Sinabi ni Marcos na walang katotohanan ang akusasyon ni Duterte at iginiit na dumaan sa konsultasyon ang desisyon kasama ang mga lider ng ibat ibang partido sa Kamara.

Banat ni Marcos sa dating presidential son na “baka style” niya ito nuong Pangulo pa ang kaniyang ama at sinabing ibahin siya dahil sumusunod siya sa proseso.

Dagdag pa ng majority leader kung nagpakita sana si Rep. Duterte sa kamara at gawin ang kaniyang trabaho na dumalo sa sesyon posibleng makikita niya ang ginagawa ng Kamara.

-- ADVERTISEMENT --

Hirit ni Marcos posibleng abala ang kongresista sa paghahanap sa P51 billion na ginastos ng kaniyang distrito.