-- ADVERTISEMENT --

Nagsaoli ng milyun-milyon halaga ng pera ang kontratistang si Sally Santos sa Department of Justice ngayong araw.

Ito mismo ang kinumpirma ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez matapos dumating sa kagawaran ang ilang armored vehicles bitbit ang naturang restitution money.

Aniya’y higit kumulang 15-milyon piso ang isinaoli ni Sally Santos bilang bahagi ng ‘restitution’ sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng Department of Justice.

Isa kasi ang pagsasaoli ng nakaw na yaman sa mga panuntunan ng kagawaran para mailagay sa ‘witness protection program’ sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control anomaly.

Si Sally Santos ay ang siyang may-ari ng kumpanyang SYMS Construction na kasalukuyang nahaharap at sinasabing sangkot sa maanomalyang mga proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa kanya, magugunitang nag-saoli din ng kinita o nakuhang pera mula anomalya sina former Department of Public Works and Highways officials Henry Alcantara at Gerard Opulencia.

Sumatotal, aabot na sa 236-milyon piso ang ibinalik sa kagawaran ng mga sangkot batay sa mga isinapubliko nilang impormasyon.