-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo ng Quiapo Church ang mga schedule at ruta para sa muling pagbabalik ng tradisyunal na prusisyon ng Poong Itim na Hesus Nazareno sa Enero 2026.

Ayon kay Quiapo Church spokesperson Fr. Robert Arellano, tatakbo ang kapistahan ng Black Nazarene mula Disyembre 31, 2025 hanggang Enero 9, 2026.

Gaganapin ang Traslación sa Enero 9, matapos ang misa mayor na pangungunahan ni Bishop Rufino Sescon.

Magsisimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand, at tatahakin ang kumpletong ruta papunta sa Quiapo Church.

Upang mapadali ang pag-usad ng mga tao at para na rin sa seguridad, ipagbabawal ang pagtitinda sa paligid ng basilica mula Enero 7 hanggang 9.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan ang malaking bilang ng dadagsang deboto sa taunang prusisyon, isa sa pinakamatagal at pinakapopular na relihiyosong aktibidad sa bansa.

Noong nakalipas na taon, pumalo sa mahigit 8.12 milyong deboto ang nakiisa sa Traslacion.