Nananawagan ngayon ang Russia ng agarang paglilinaw mula sa US matapos nitong ianunsiyo na naaresto na at napatalsik mula sa Venezuela si President Nicolas Maduro kasama ang kaniyang maybahay na si First Lady Cilia Flores.
Ang Venezuela nga ang itinuturing na pinakamahalagang kaalyado ng Russia sa Latin America pagdating sa kalakalan at militar. Kinikilala rin ng Russia si Maduro bilang presidente ng Venezuela.
Sa isang statement, ipinaabot ng Russian Foreign Ministry ang labis na pagaalala ng Russia sa napaulat na pwersahang pagtanggal kina Maduro at First Lady mula sa kanilang bansa sa kasagsagan ng agresibong mga aksiyon ng Amerika.
Ayon sa Russia, ang ganitong mga aksiyon, sakali mang totoo ay kahalintulad ng hindi katanggap-tanggap na paglabag sa soberaniya ng isang independent state, isang paggalang sa mahalagang prinsipyo ng international law.
Una na ring kinondena ng Russian Foreign Ministry ang tinawag nitong gawain ng US na armadong agresyon laban sa Venezuela, at sinabing anumang “excuses” para bigyang-katwiran ang ganitong mga aksiyon ay hindi katanggap-tanggap.











