-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na tumanggap ito ng male-maletang pera mula.

Ayon kay Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Atty. Brian Hosaka na ito ang naging laman ng isinumiteng affidavit ni Romualdez.

Tinanong kasi ng ICI ukol sa paglalantad ng witness sa Senate Blue Ribbon Committee na ito ay tumanggap ng pera na nakalagay sa maleta.

Wala ring idinawit si Romualdez na iba ng mga pangalan ukol sa nasabing anomalya.

Nitong Martes ay dumalo ang mambabatas sa ipinatawag na pagdinig ng ICI ukol sa pagkakasangkot nito sa anomalya sa flood control projects.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan na sa susunod na linggo ay muling babalik si Romualdez para magbigay ng ilang detalye sa reklamo laban sa kaniya.