-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.

Kung maalala naghain ng irrevocable resignation si Santiago dahil sa umanoy sadyang paninira sa kaniyang reputasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi na nagkausap si Santiago at si Pangulong Marcos matapos maghain ng resignation, pero for acceptance na ito ng Pangulo.

Siniguro ni Castro, hindi naman aniya nito maapektuhan ang mga kasong hawak ng NBI lalo na ang imbestigasyon sa missing sabungero dahil marami pang indibidwal ang may kredibilidad at mapagkakatiwalaan sa ahensya.

Sa ngayon, wala pang detalye ang Palasyo kung sino ang posibleng pumalit sa nabakanteng pwesto ni Santiago.

-- ADVERTISEMENT --