-- ADVERTISEMENT --

Inimbitahan ng House Infrastructure Committee (InfraComm) sina dating Senate Finance Committee Chairperson Grace Poe, Ako Bicol party-list Rep at dating House Appropriations panel chairperson Zaldy Co at dating Department of Public Works and highways (DPWH) official Roberto Bernardo para humarap sa imbestigasyon ng flood control projects partikular na sa budget insertions.

Ang imbitasyon sa dati at kasalukuyang mga mambabatas ay kasunod ng pag-apruba ng House panel sa mosyon ni Caloocan Rep. Edgar Erice, kung saan ikinatwiran niyang dapat na magpaliwanag ang mga ito kung bakit nagkaroon ng insertions o isiningit na pondo sa budget item ng pambansang pondo mula 2023, 2024 at 2025, na ayon kay Erice ay nagkakahalaga ng P1 trillion halaga ng insertions.

Nauna ng kinumpirma ni House InfraComm chairperson Rep. Terry Ridon na inimbitahan si Co para humarap sa flood control probe matapos mapag-alaman na isiningit ang P96 million ghost infrastructure project sa Plaridel, Bulacan ay isiningit sa closed-door meeting ng bicameral conference committee.

Ayon sa mambabatas ang naturang proyekto ay wala sa National Expenditure Program o sa mismong General Appropriations Bill o panukalang pondo na inaprubahan ng Mababang Kapulungan.