-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang humarap bukas, Oktubre 14 sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Rep. Martin Romualdez, kasunod ng imbitasyon na ipinadala sa kanya ng komisyon noong nakaraang linggo.

Ayon kay ICI Spokesperson Atty. Brian Hosaka, tinanggap ni Romualdez ang imbitasyon at nagpahayag ng kahandaang dumalo upang makiisa sa imbestigasyon ng komisyon.

Kabilang sa mga tatalakaying tanong sa pagdinig ay ang proseso ng pagbuo ng natuonal budger noong siya pa ang Speaker ng Kamara, gayundin ang mga detalye ng budget allocations para sa mga flood-control projects na isinagawa sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Samantala, hihilingin naman ng komisyon sa Regional Trial Court na ipa-cite in contempt si dating Rep. Zaldy Co kung muli itong mabibigo na humarap sa pagdinig ng komisyon bukas, Oktubre 14.

Ayon kay Hosaka, tagapagsalita ng komisyon, maaari itong magresulta sa paglabas ng warrant of arrest laban sa dating kongresista sakaling maglabas ang korte ng contempt order.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa ulat, hindi pa rin tumutugon si Co sa subpoena na ipinadala ng ICI kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.