-- ADVERTISEMENT --

Muling pinatawan ng 60-araw na suspensyon si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga ng walang bayad at allowances.

Sa ginawang botohan ay nakakuha na 238 ang sumang-ayon at 10 naman ang komontra atsyam nangnag-abstain para sa pag-adopts ng findings at rekomendasyon ng Committee on Ethics and Privileges.

Sa panig naman ni Barzaga, sinabi nito na sanay na ito kung saan gagawin na lamang niya kung ano ang nakakabuti sa mga tao.

Marapat na ang Kongreso ay nakatuon sa ibang mga bagay at hindi ang ganitong usapin.

Wala umano ito ng pagsisisi sa ginawa nitong pag-post sa kaniyang social media na nagresulta sa suspension nito.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang nagbunsod ang unang 60 na araw na suspensiyon kay Barzaga ng akusahan niya na tumanggap ng pera ang dati nitong kasamahan sa National Unity Party sa negosyanteng si Enrique Razon noong Hulyo 2025 para pagtibayin umano ang suporta kay Leyte Rep. Martin Romualdez.

Noong nagdaang araw naman ay muling inulat ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano ang hindi tamang pag-uugali ni Barzaga na nagresulta sa pagsampa ng cyberlibel nina Valeriano; Antipolo 1st District Rep. Ronaldo Puno at Razon.

Inakusahan din ni Barzaga ang namayapang si Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop na sangkot ito sa flood control corruption pero hindi nagbigay ng anumang ebidensiya.