Muling bumisita si Davao City Rep. Paolo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Detention Facility kung saan nakakulong ang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte.
Sa isang video nitong Enero-5, sinabi ng dating presidential son na nasa maayos namang kalagayan ang dating pangulo ngunit sa ngayon ay ‘long-hair’ na, di katulad ng dati na laging maikli ang kaniyang buhok.
Pagbabahagi pa ng kongresista, bago ang kaniyang pagdating sa kulungan ay nakaligo na ang dating pangulo ngunit hindi kasamang binasa ang kaniyang paa. Hindi rinumano siya kumain ng tanghalian dahil natulog lamang ang ginawa.
Ayon pa kay Cong. Paolo, saka na lamang bumangon ang dating pangulo noong dumating siya sa kulungan.
Maalalang ipinagdiwang ng dating pangulo ang Pasko at Bagong Taon nang mag-isa sa loob ng detention facility matapos ipagbawal ng ICC ang mga bisita sa kasagsagan ng holiday.
Una ring bumiyahe si Rep. Duterte patungong Netherlands bago ang Pasko kung saan sinamahan niya roon ang kaniyang kapatid na si Veronica ‘Kitty’ Duterte.











