Kinumpirma ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno na pinasok ni Cavite Rep. Kiko Barzaga ang opisina ni House Majority Leader Sandro Marcos at hiniling na suportahan siya para maging house speaker.
Kwento ni Puno ng pumasok si Rep. Barzaga sa opisina ni Majority leader sinara nito ang pinto at inutusan ang lahat na umupo at pakinggan siya sa kaniyang plano na nais maging house speaker at nilapitan pa ang ilang mga mambabatas at sinabihan sila na gagawin silang deputy speaker.
Dahil sa ginawa ni Barzaga sa opisina ni Majority leader lahat na shocked sa kaniyang ginawa.
Kwento ni Puno naging mahinahon si Marcos at pinakinggan si Barzaga.
Hindi naman siya pinalabas sa opisina ng majority leader at hinintay na lamang siyang lumabas.
Dahil sa mga aksiyon ni Rep. Barzaga, napansin ni Puno na tila “unwell” ang mambabatas mula sa Dasmarinas, Cavite dahil ang mga galaw nito ay hindi naaayon sa isang opisyal ng pamahalaan.
Namataan din ni Puno si Barzaga sa loob ng plenaryo na kumakausap sa mga mambabatas at nangangampanya.
Inihayag ni Puno na mabigat man ito sa kanila na maghain ng ethics complaint ay gagawin nila ito dahil nalalagay sa alanganin ang kredibilidad at integridad ng Kamara.
Tinukoy din ni Puno na malapit sa NUP ang mga magulang ni Rep. Barzaga ang dating Kongresista na si Pidi Barzaga at Dasmarinas Mayor Jenny Barzaga.
” We want him to also be able to account for this. And I know that he is not well. Pero, he is well enough to write this material,” pahayag ni DS Puno.