“No comment” muna si House Ethics and Privileges Committee Chairman, Rep. JC Abalos hinggil sa inihaing complaints laban kina Cavite Rep. Kiko Barzaga at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Sa isang panayam sinabi ni Abalos, bilang pinuno ng Ethics Committee hindi angkop na magsalita siya ukol dito dahil confidential ang nasabing mga usapin.
Inihayag ni Abalos na nakipag ugnayan siya kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na payagan ang kaniyang Komite na mag convene ng sa gayon matalakay ang ethics complaints.
Sinabi ng Kongresista, ipinagbawal muna ng house leadership na magsagawa ng Committee hearings lalo at nasa plenaryo na ngayon ang budget deliberations.
Ayon kay Abalos, nakausap niya kahapon si Speaker Dy at naghihintay na lamang siya ng formal letter na pumapayag na mag convene ang Ethics Committee.
Inihayag ngayong araw ni Navotas Rep. Toby Tiangco na naghain siya ng ethics complaint laban kay Zaldy Co.
Una nang naghain ng ethics complaint si Deputy Speaker Ronaldo Puno laban kay Cavite Rep. Kiko Barzaga dahil sa kaniyang mga hindi kaaya-ayang mga behavior.