-- ADVERTISEMENT --

Wala sa plano ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maghain ang aplikasyon para sa susunod na Chief Justice ng Supreme Court.

Kasunod ito ng pormal na pagbubukas ng Judicial and Bar Council (JBC) ng nominasyon para sa pinakamataas na posisyon sa hudikatura noong Agosto 29. Nakatakdang mabakante ang puwesto sa Nobyembre 6, sa pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sa halip na isaalang-alang ang kanyang sarili bilang kandidato, iginiit ni Remulla na sapat nang batayan ang kanyang matagal na karanasan bilang abogado at opisyal ng pamahalaan.

“I think my experience as a lawyer and government official and advocate speak for itself. It’s something that everybody knows, but somebody should say it,” saad ni Remulla.