-- ADVERTISEMENT --

Tinawag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isang fake news ang paglabas ng balitang ito ay itinakbo sa pagamutan.

Una ng pinabulaanan din ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na nasa pagamutan si Remulla.

Maging ang kapatid nitong si Interior Secretary Jonvic Remulla ay sinabing nakalaro pa niya ito sa golf at mayroong nakatakdang breakfast meeting ito ngayong Sabado.

Magugunitang kumalat ang balita nitong Biyernes, Enero 2 na itinakbo umano si Remulla sa pagamutan.