-- ADVERTISEMENT --

Ipinagutos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dapat magsagawa ng mga infrastructure audit at magkasa ng regular na earthquake drills ang mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa mga kalamidad partikular na sa lindol.

Sa memorandum na inilabas ni NDRRMC Chairman at Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro, nakasaad na dapat na pangasiwaan ng mg ahensya katuwang ang lokal na pamahalaan ang pagkakasa ng mga assessments na ito upang masiguro na mabbantayang maigi ang mga posibleng danyos na matatamo kung sakaling may tumama na anmang panibagong pagyanig sa bansa.

Nakasaad din sa memo na ito na dapat mas palakasisn din ang Public Information efforts para maiwasan ang pagpapakalat at pagbibigay ng panic at stress sa publiko bunsod ng mga maling impormasyon.

Maliban dito dapat din aniyang magkaroon ng mahigpit na ugnayan ang mga regionaln DRRM offices sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) para sa mga teknikal na suportang kakailanganin kung sakali.

Samantala, nauna na rito ay ipinasailalim na ni Teodoro sa isang review ang mga contingency plans ng mga lokal na pamahalaaan upang masiguro na updated ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --