Nag-abiso ang Quezon City Governement sa mga motorista sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lugar sa lungsod dahil sa pagdiriwang ng National Bike Day 2025 o ang Makasaysayang Kyusi Bike Ride Event bukas, November 23, simula alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-12 ng tanghali.
Sa abiso ng QC LGU, inaasahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada:
• Elliptical Road
• Commonwealth Ave.
• Pearl St.
• Winston St.
• Dunhill St.
• Marlboro St.
• Luzon Ave.
• Congressional Ave.
• Tandang Sora Ave.
• Himlayan Road
• Banlat Road
• Aramis St.
• San Miguel Road
• Visayas Ave.
• Maharlika St.
• Masaya St.
• Maginhawa St.
• Malingap St.
• Kalayaan Ave.
Paalala pa ng lokal na lungsod na nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.











