Nagpakawala ang North Korea ng ilang ballistic missiles mula sa Pyongyang patungo sa silangang bahagi ng kanilang karagatan bandang ala 7:50 ng umaga ngayong Linggo, January 4 ayon sa militar ng South Korea.
Ito ang pinakabagong naitalang pagpapakawala ng ballistic missiles ng North Korea makalipas ang dalawang buwan, kasabay ito ng nalalapit na pag bisita ni South Korean President Lee Jae-Myung sa China kung saan mapapagusapan umano ang posibling kapayapaan sa Korean peninsula.
Ayon kay Wi Sung-lac, security adviser ni Lee, umaasa ang South Korea na malaki ang magiging papel ng China sa pagsusulong ng kapayapaan sa pagitan ng South at North Korea. Aniya, ang pakay umano ni Lee ay hikayatin ang China na pangunahan ang posibling peace talk ng South at North Korea.
Samantala, matatandaan na huling nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea noong Nobyembre ng nakaraang taon. Kasabay ng ipinagutos ni North Korean leader Kim Jong Un na doblehin ang produksyon ng kanilang mga kagamitang pandigma.











