-- ADVERTISEMENT --
Pinaplano ngayon ni Russian President Vladimir Putin ang posibilidad ng pagkakaroon ng nuclear test.
Kasunod ito sa naging pahayag ni US President Donald Trump na magsisimula sila ng nuclear testing program.
Sa talumpati ni Putin sa Security Council ng Russia na tumutugon sila sa Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty (CTBT) at walang plano na lumabag dito.
Subalit kapag nagsagawa ang US at ibang bansa na siyang signatories ng CTBT ay mapipilitan ang Russia na sumagot din.
Tinanong na niya ang mga government ministries at ilang ahensiya na magsumite ng coordinated proposals para sa posibilidad na pagsasagawa ng nuclear weapons testing.
-- ADVERTISEMENT --











