-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag si Russian President Vladimir Putin ng kahandaan para makaharap ng personal si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Ito ay kasunod ng panghihikayat ni US President Donald Trump na dapat magkaroon ang dalawa ng pag-uusap.

Handa umano nitong tanggapin si Zelensky na bibisita sa Moscow.

Nilinaw nito na hindi kailanman niya na binabalewala ang pag-uusap nila sa kaniya ni Zelensky pero ang tanging kinukuwestiyon niya ay ang punto ng nasabing pagpupulong.

Una rito ay nagkaroon ng pag-uusap sina Trump at Putin kung saan isinusulong ng US President na dapat isagawa na ang pag-uusap.

-- ADVERTISEMENT --