Ikinonekta ni dating Vice Presidential Spokesperson Atty. Barry Gutierrez si dating ACT-CIS Rep. Eric Yap, na nagsilbi bilang House Appropriations Chair mula 2020 hanggang 2022, sa umano’y P51 bilyong pondo para sa flood control na napunta sa distrito ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
Sa kanyang post sa X nitong Huwebes, aniya, “Yap was House Appropriations Chair from 2020-2022. The same period that Rep. Pulong Duterte received P51 Billion in flood control funds. That deserves a closer look now don’t you think? ”
Sinegundahan din ito ng abogadong si Jesus Falcis sa isang post sa X. “Alam nyo kelan nabigay yung 51 Billion in flood control and infra projects ni Polong Paolo Duterte sa Davao? 2020 to 2022. The same time when Congressman Eric Yap was the Chairman of Appropriations from 2020 to 2022. Connect the dots.”
Lumutang ang puna ni Gutierrez kasunod ng testimonya ni Orly Regala Guteza, dating security consultant ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, sa Senate Blue Ribbon Committee. Ayon kay Guteza, isa umano si Yap sa naghatid ng maletang may lamang pera sa bahay ni Co. Kasalukuyang nagsisilbi si Yap bilang kinatawan ng Benguet.
Una nang kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may inilaang P51 bilyon para sa infrastructure projects sa distrito ni Duterte mula 2020 hanggang 2022. Kinondena naman ito ni Duterte at iginiit na ginagamit lamang ang alegasyon bilang panakip-butas laban sa kanyang pamilya kaugnay ng korapsyon. (