-- ADVERTISEMENT --

Kasado na bukas, Lunes, Setyembre 28, ang taas-singil sa pasahe ng mga pampublikong sasakyan, habang isinusulong ng transport groups na Manibela at Piston ang kanilang nakaplanong protesta dahil sa patuloy na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa ilalim ng aprubadong bagong singil ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mula sa P13 ay magiging P14 na ang minimum na pamasahe sa mga ordinaryong jeepney sa kada apat na kilometro. Habang ang pamasahe naman sa bawat susunod na kilometro ay tataas ng P2.

Samantala, para naman sa modern public utility jeepneys, magiging P17 na ang minimum na pamasahe, na may dagdag na P2.40 sa bawat susunod na kilometro. Magtataas din ang singil sa pamasahe sa mga city bus, magiging P15 ang minimum na pamasahe para sa unang limang kilometro, habang may dagdag rin na P2.49 sa bawat susunod na kilometro.

Sa mga air-conditioned bus naman, tataas ng P18 ang minimum na pamasahe, at may P3 na dagdag sa bawat susunod na kilometro.

Samantala provincial bus naman, tataas ng P2 hanggang P3 ang pamasahe sa bawat susunod na kilometro, depende rin ito sa uri ng bus.

-- ADVERTISEMENT --

Habang madadagdagan naman ng P2.60 hanggang P3 ang pamasahe sa UV Express sa bawat susunod na kilometro.

Inatasan naman ng Department of Transporation ang mga operator na magpaskil ng bagong fare matrix at patuloy pa ring magbigay ng discount sa mga estudyante, senior citizen at maging sa mga persons with dissabilities.

The Department of Transportation (DOTr) has ordered operators to display the new fare matrices and continue providing discounts to students, senior citizens and persons with disabilities.